Para sa Mababang Paaralan
Isa sa mga layunin ng Paaralang Child Jesus of Prague para sa mga magaaral at lalo’t higit sa mga magulang ayang magkaroon ng tinatawag na “partnership”. Sa pamamagitan nito, tayo ay nagkakatulungan sa paghubog ng talento at kakayahan ng mga bata sa iba’t ibang aspeto ng kanilang pag –aaral lalo’t higit ang paghubog sa kanila sa tamang asal at pag –uugali pati na rin ang kanikanilang angking mga katangian. Ito ay makapagpapatibay ng ating ugnayan at samahan bilang magkatuwang sa pagpapalaki ng inyong mga anak. Dahil dito, mas matutulungan natin sila na marating ang kanilang mga mithiin para sa taong pampaaralang ito. Nilalayon naman ng liham na ito na magkaroon kayo ng ideya sa mga paksang pag aaralan ng mga bata sa buong buwan gayon din ang mga gawain o programang naitakda upang kayo ay magkaroon ng sapat na paghahanda bago pa man dumating ang nasabing gawain lalo na ang mga araw ng pagsusulit.
Ang mga sumusunod na gawain o programa ay magaganap para sa buwang ito;
1. Paggunita sa Buwan ng Wikang Pambansa. Ang ating pamunuan ay naglalayong mapukaw angkaisipan at damdamin ng ating mga batang magaaral hinggil sa pinagugatan ng Wikang Filipino. Kaugnay nito, ang mga simpleng gawaing katulad ng pagtula, malikhaing pagbasa at pagawit nasiyang magbibigay diin at halaga sa yaman ng wika at kulturang Pilipino. Ito ay masasalamin din sailang mga gawaing pansilidaralan kung saan ang mga bata ay magkakaroon ng pagkakataongbuhayin, ibahagi at paigtingin ang magagandang kaugaliang Pilipino , kultura at mga sagisag namalaon nang nalilimutan ng karamihan sa ating mga kabataan. Magkakaroon tayo ng pagtitining nagawain patungkol sa Buwan ng Wika.
2. Paglulunsad ng Organisasyon para sa mga nasa Ika4 na Baitang. Sa taong ito, ang mga bata saikaapat na Baitang ay magkakaroon na ng sarili nilang organisasyon; ang DIY Club at ang BrainGames Club. Ang dalawang organisasyong ito ay tiyak na kagigiliwan ng mga bata dahil matutunannilang linangin ang kanilang mga abilidad at talento sa paggawa ng iba’t ibang proyektong galing saluma o patapon nang mga gamit gayon din ang pagpapamalas ng talas ng kanilang isipan sapagsagot sa mga gawaing inihanda para sa Brain Games. 3. Paglulunsad ng sariling Pagpupulong para sa mga Batang Iskawts. Ngayong taon, magkakaroon narin ng sariling PangIskawt na pagpupulong ang mga bata sa ikaapat na baitang. Ito ay upang masmaramdaman at maranasan nila ang kahalagahan ng pagiging lider at ang pagkakaroon ng mgatungkulin at responsibilidad na sila mismo ang tutupad.
4. Sisimulan din sa buwang ito ang mga konsultasyon sa mga guro kung saan ang mga bata aymatutulungan sa mga asignaturang di nila lubos na nauunawaan. Sa ganitong paraan, sila ay magkakaroon ng tiwala sa sarili na kaya pala nilang harapin ang mga nasabing pagsubok. Mangyari lamang na palagi ninyong basahin at pirmahan ang mga maiikling sulat na ipahahatid sa inyo ng kanilang mga guro.
Para sa Paaralang Panggitna
Ang buwan ng Agosto ay tinatawag ding “Buwan ng Wika”, kung kailan ang mga magaaral ay muling magsasariwa ang ating kultura na untiunti ay kanila nang naiwawaglit sa kanilang isipan dala na rin ng makabagong teknolohiya o modernisasyon sa lipunang kanilang ginagalawan. Sa buwang ito, mararamdaman at maipagmamalaki nila na sila ay kabilang sa Pamilyang Pilipino na talaga namang kahangahanga, sa tulong ng aming paksang “Kultura ng Pamilyang Pilipino’y Paunlarin, Kagandahang Asal Ating Pagyamanin”. Gayundin, muli nilang masusubok ang kanilang angking husay sa paligsahan ng kaalaman na “TugonKumon”. Maipamamalas rin nila ang dimatatawarang kulturang Pilipino sa pagkatha ng sariling bugtong at salawikain/sawikain. Bukod dito, ang mga mag aaral ay mabibigyang pagkakataong magbahagi ng kagandahang asal ng ating pamilya sapamamagitan ng iba’t ibang gawaing pangklase.
Para sa Mataas na Paaralan
Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay idinaraos tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Sinasalamin ng selebrasyong ito ang kahalagahan ng Filipino bilang Wikang Pambansa. Dahil dito, nararapat lamang na makilala at mapahalagahan ng mga mag‐aaral ng Child Jesus of Prague School ang mga bagay na sumasagisag sa ating kakanyahan bilang isang bansa. Bukod sa pagpapatibay ng Wikang Filipino, nakapokus din ang ating pagdiriwang sa mga pag‐uugaling Pinoy at mga tradisyong nagpapakilala sa mga Filipino. Ang mga kaalaman sa wika, pag‐uugali at tradisyon ay masusubok atmalilinang sa pamamagitan ng patimpalak na “Tugon‐Kumon”, paligsahan sa malikhaing pagguhit at pagpapamalas ng mga mag‐aaral ng kanilang talento na sumisimbulo sa mga ugali at tradisyong Pinoy. Magkakaroon din ng malikhaing pagbuo ng bulletin board gamit ang mga bagay na sariling atin. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga gawaing nakatakda sa buwang ito, upang malinang at mapanumbalik ang pagiging makabayan ng kabataang Pilipino. Ang paksa ng selebrasyon natin ngayong Buwan ng Wika ay “Wikang Filipino ay Pagtibayin, Tradisyon at Ugaling Pinoy Pasikatin”.