Kagaya ng nabanggit sa naiparating naming Liham para sa Buwan ng Agosto, ang Middle School Department ay nagdiriwang ng Buwan ng Wika na may paksang, “Pamilyang Pilipino’y Pagbuklurin, Pistang Pinoy Ibalik Natin”. Bukod sa mga gawaing pampaaralan at pang tahanan, ang paaralan ay magkakaroon ng pagtitining na gawain, ang PISTA NG PAMILYANG PINOY na gaganapin sa ika-16 ng Septyembre, 2017, araw ng Sabado. Ito ay dadaluhan ng buong mag-anak ng bawat mag-aaral ng Middle School Department.
Maraming kapana-panabik na gawain ang naghihintay sa inyong pamilya sa araw na ito na tiyak naming magpapangiti, magbibigay galak, at higit sa lahat ay magbibigkis sa inyong mag-anak. Ang mga gawaing ito ay napapaloob sa labinlimang(15) kubol. Ang mga kubol na ito ay ang mga sumusunod:
Kubol 1: Kakanin Natin Kubol 9: Minindal ni Ate
Kubol 2: Pasalubong ni Itay Kubol 10: Buhay Makulay
Kubol 3: Pamatid-Uhaw Kubol 11: Pamilya Sinemalaya
Kubol 4: Asintado si Bunso Kubol 12: Tambakan ni Kuya: Karunungang Bayan,
Kubol 5: Pa Pinoy Sagutin at Tuklasin
Kubol 6: Balinsasayaw Kubol 13: Pamilyang Makata
Kubol 7: Talentadong Kapamilya Kubol 14: Pamilyalimpiks
Kubol 8: Panghimagas ni Inay Kubol 15: Parangal sa Pamilyang Pilipino
Ang bawat kubol ay susubok sa inyong galing at kaalaman sa panitikan, wika, karunungang bayan, sa iba’t iba ninyong kakayahan, at higit sa lahat sa matibay ninyong samahan bilang mag-anak. Kailangan ‘nyo lamang mapagtagumpayan ang bawat pagsubok na dito ay sa inyo’y naghihintay. Gagamit rin ng chits upang makapasok sa bawat kubol at upang magawa ang mga pagsubok dito. Chits din ang gagamitin maging sa mga kubol na mag aalok ng pagkain at inuming Pinoy.
Ang bawat chit ay nagkakahalaga ng P20.00 at maaaring bilhin sa ating Business Office. Mayroon din tayong promo na 5 chits + 1 hanggang sa ika-25 ng Agosto, 2017.
Ang mga detalye sa pagdalo sa naturang pagdiriwang ay ang sumusunod:
BAITANG | ORAS NG PAGDALO | KULAY NG KASUOTAN (T-shirt) |
Grade 5 | 8:00am – 10:00am | Asul |
Grade 6 | 8:00am – 10:00am | Pula |
Grade 7 | 10:00am – 12:00nn | Dilaw |
Grade 8 | 10:00am – 12:00nn | Berde |
PA:
1. Hindi na kinakailangang bumili ng bagong T-shirt. Anumang shade ng kulay na nabanggit ay maaaring gamitin. 2. Para sa may mga kapatid sa ibang baitang, nasa magulang ang pagpapasya kung anong kulay ang isusuot at kung saang oras dadalo. |
Muli, malugod namin kayong inaanyayahan na dumalo at makipagtulungan, kasama ng bawat kasapi ng inyong mag-anak sa ating Pista ng Pamilyang Pinoy.