Agosto- Buwan ng Wika

Para sa Mababang Paaralan

Isa sa mga layunin ng Paaralang Child Jesus of Prague para sa mga mag­aaral at lalo’t higit sa mga magulang ayang magkaroon ng tinatawag na “partnership”. Sa pamamagitan nito, tayo ay nagkakatulungan sa paghubog ng talento at kakayahan ng mga bata sa iba’t ibang aspeto ng kanilang pag –aaral lalo’t higit ang paghubog sa kanila sa tamang asal at pag –uugali pati na rin ang kani­kanilang angking mga katangian. Ito ay makapagpapatibay ng ating ugnayan at samahan bilang magkatuwang sa pagpapalaki ng inyong mga anak. Dahil dito, mas matutulungan natin sila na marating ang kanilang mga mithiin para sa taong­ pampaaralang ito. Nilalayon naman ng liham na ito na magkaroon kayo ng ideya sa mga paksang pag­ aaralan ng mga bata sa buong buwan gayon din ang mga gawain o programang naitakda upang kayo ay magkaroon ng sapat na paghahanda bago pa man dumating ang nasabing gawain lalo na ang mga araw ng pagsusulit.

Ang mga sumusunod na gawain o programa ay magaganap para sa buwang ito;

1. Paggunita sa Buwan ng Wikang Pambansa. Ang ating pamunuan ay naglalayong mapukaw angkaisipan at damdamin ng ating mga batang mag­aaral hinggil sa pinag­ugatan ng Wikang Filipino. Kaugnay nito, ang mga simpleng gawaing katulad ng pagtula, malikhaing pagbasa at pag­awit nasiyang magbibigay­ diin at halaga sa yaman ng wika at kulturang Pilipino. Ito ay masasalamin din sailang mga gawaing pansilid­aralan kung saan ang mga bata ay magkakaroon ng pagkakataongbuhayin, ibahagi at paigtingin ang magagandang kaugaliang Pilipino , kultura at mga sagisag namalaon nang nalilimutan ng karamihan sa ating mga kabataan. Magkakaroon tayo ng pagtitining nagawain patungkol sa Buwan ng Wika.

2. Paglulunsad ng Organisasyon para sa mga nasa Ika­4 na Baitang. Sa taong ito, ang mga bata saikaapat na Baitang ay magkakaroon na ng sarili nilang organisasyon; ang DIY Club at ang BrainGames Club. Ang dalawang organisasyong ito ay tiyak na kagigiliwan ng mga bata dahil matutunannilang linangin ang kanilang mga abilidad at talento sa paggawa ng iba’t ibang proyektong galing saluma o patapon nang mga gamit gayon din ang pagpapamalas ng talas ng kanilang isipan sapagsagot sa mga gawaing inihanda para sa Brain Games. 3. Paglulunsad ng sariling Pagpupulong para sa mga Batang Iskawts. Ngayong taon, magkakaroon narin ng sariling Pang­Iskawt na pagpupulong ang mga bata sa ikaapat na baitang. Ito ay upang masmaramdaman at maranasan nila ang kahalagahan ng pagiging lider at ang pagkakaroon ng mgatungkulin at responsibilidad na sila mismo ang tutupad.

4. Sisimulan din sa buwang ito ang mga konsultasyon sa mga guro kung saan ang mga bata aymatutulungan sa mga asignaturang di nila lubos na nauunawaan. Sa ganitong paraan, sila ay magkakaroon ng tiwala sa sarili na kaya pala nilang harapin ang mga nasabing pagsubok. Mangyari lamang na palagi ninyong basahin at pirmahan ang mga maiikling sulat na ipahahatid sa inyo ng kanilang mga guro.

Para sa Paaralang Panggitna

Ang  buwan  ng Agosto  ay  tinatawag  ding “Buwan  ng Wika”,  kung  kailan ang  mga  mag­aaral  ay  muling  magsasariwa  ang  ating  kultura  na  unti­unti  ay kanila  nang  naiwawaglit  sa  kanilang  isipan  dala  na  rin  ng  makabagong teknolohiya o modernisasyon sa lipunang kanilang ginagalawan. Sa  buwang  ito,  mararamdaman  at  maipagmamalaki  nila  na  sila  ay kabilang sa Pamilyang Pilipino na talaga namang kahanga­hanga, sa tulong ng aming  paksang  “Kultura  ng  Pamilyang  Pilipino’y  Paunlarin,  Kagandahang Asal  Ating  Pagyamanin”.  Gayundin,  muli  nilang  masusubok  ang  kanilang angking husay sa paligsahan ng kaalaman na  “Tugon­Kumon”. Maipamamalas rin nila ang di­matatawarang kulturang Pilipino sa pagkatha ng sariling bugtong at  salawikain/sawikain.  Bukod  dito,  ang  mga  mag  aaral  ay  mabibigyang pagkakataong  magbahagi  ng  kagandahang  asal  ng  ating  pamilya  sapamamagitan ng iba’t ibang gawaing pangklase.

 

Para sa Mataas na Paaralan

Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay idinaraos tuwing sasapit ang buwan ng  Agosto.  Sinasalamin  ng  selebrasyong  ito  ang  kahalagahan  ng  Filipino  bilang Wikang Pambansa. Dahil dito, nararapat lamang na makilala at mapahalagahan ng mga mag‐aaral ng Child Jesus of Prague  School  ang mga bagay na  sumasagisag  sa ating  kakanyahan  bilang  isang  bansa.  Bukod  sa  pagpapatibay  ng  Wikang  Filipino, nakapokus din ang ating pagdiriwang sa mga pag‐uugaling Pinoy at mga tradisyong nagpapakilala sa mga Filipino. Ang  mga  kaalaman  sa  wika,  pag‐uugali  at  tradisyon  ay  masusubok  atmalilinang  sa  pamamagitan  ng  patimpalak  na  “Tugon‐Kumon”,  paligsahan  sa malikhaing  pagguhit  at  pagpapamalas  ng  mga  mag‐aaral  ng  kanilang  talento  na sumisimbulo  sa  mga  ugali  at  tradisyong  Pinoy.  Magkakaroon  din  ng  malikhaing pagbuo ng bulletin board gamit ang mga bagay na sariling atin. Ang mga nabanggit ay  ilan  lamang  sa  mga  gawaing  nakatakda  sa  buwang  ito,  upang  malinang  at mapanumbalik ang pagiging makabayan ng kabataang Pilipino. Ang  paksa  ng  selebrasyon  natin  ngayong  Buwan  ng  Wika  ay  “Wikang Filipino ay Pagtibayin, Tradisyon at Ugaling Pinoy Pasikatin”.

 


CHILD JESUS OF PRAGUE SCHOOL

Binangonan , Rizal

CJPS Hotlines:

Calumpang: (02) 8652-0403, (02) 7586-9216

Batingan: (02) 8652-3787


Copyright ©2024 CJPS. Web development by: welwix.com Sitemap | Privacy | Contact Us