Tuwing Agosto, ipinagdiriwang ng Child Jesus of Prague School ang Buwan ng Wika. Bilang bahagi ng pagdiriwang nito, ang CJPS Preschool Department ay nagkaroon ng ibat’ibang gawain tulad ng mga sumusunod
Pagsuot ng Filipiniana tuwing Miyerkules sa buong buwan ng Agosto
Pagbisita sa exhibit na naglalarawan sa mga..
- Pambansang sagisag
- Makasaysayang lugar sa Pilipinas
- Mga taong naging bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas
- Mga kasuotang PilipinoMga tradisyong Pilipino
Mga laro at awiting Pinoy
Mga produkto ng Pilipinas
Pagbenta ng mga aklat ( Book Fair)
Ang Pagtatapos ng Buwan ng Wika at Kultura ay ginanap noong ika-31 ng Agosto sa Calumpang Campus. Sa araw na ito, nagsuot ang mga mag-aaral at mga guro ng souvenir T-shirt mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Ang mga gawain sa araw na ito ay ang mga sumusunod:
- Pag-awit ng Pambansang Awit
- Pag-awit ng mga awiting tagalog
- Paglalaro ng mga larong pinoy
- Pagtalakay tungkol sa bansang Pilipinas
- Pakikinig sa mga kwento na may mga aral sa buhay
- Munting salu-salo na kung saan ay natikman ng mga mag-aaral ang mga kakaning Pinoy tulad ng kutsinta, puto, suman, sapin-sapin at iba pa.
Sa pangkalahatan, naging masaya, makabuluhan at makasaysayan ang pagdiriwang ng Preschool Department sa Buwan ng Wika. Tunay na napakasarap maging isang Pilipino!