Buwan Ng Wika- Sekondarya

hs augAng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay idinaraos tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Sinasalamin ng selebrasyong ito ang kahalagahan ng Filipino bilang Wikang Pambansa. Dahil dito, nararapat lamang na makilala at mapahalagahan ng mga mag-aaral ng Child Jesus of Prague School ang mga bagay na sumasagisag sa ating kakanyahan bilang isang bansa. Sa panahong ito, nakapokus ang ating pagdiriwang sa mga produktong Pinoy, mga kapistahan at mga tradisyong may kaugnayan sa mga kulturang ito.

Ang mga kaalaman sa wika, produkto at tradisyon ay masusubok at malilinang sa pamamagitan ng patimpalak na “Tugon-Kumon”. Samantalang ipamamalas naman ng mga mag aaral ang mga katutubong sayaw ng iba’t ibang bayan tuwing may kapistahan. Magkakaroon din ng malikhaing pagbuo ng bulletin board gamit ang mga bagay na sariling atin. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga gawaing nakatakda sa buwang ito, upang malinang at mapanumbalik ang pagiging makabayan ng kabataang Pilipino.

Ang paksa ng selebrasyon natin ngayong Buwan ng Wika ay “Wika’t Produktong  Pinoy  Tangkilikin, Sariling Atin ay Linangin ”.


CHILD JESUS OF PRAGUE SCHOOL

Binangonan , Rizal

CJPS Hotlines:

Calumpang: (02) 8652-0403, (02) 7586-9216

Batingan: (02) 8652-3787


Copyright ©2024 CJPS. Web development by: welwix.com Sitemap | Privacy | Contact Us

Scroll to Top