Bilang paggunita sa Buwan ng Wikang Pambansa, ang ating pamunuan ay naglalayong mapukaw ang kaisipan at damdamin ng ating mga batang mag-aaral hinggil sa pinag-ugatan ng Wikang Filipino. Kaugnay nito ang mga gawaing katulad ng pagtula, malikhaing pagbasa, maikling-duladulaan, sayaw at masining na paglalarawan ng awit na siyang magbibigay- diin at halaga sa yaman ng wika at kulturang Pilipino. Ito ay masasalamin din sa ilang mga gawaing pansilid-aralan kung saan ang mga bata ay magkakaroon ng pagkakataong buhayin, ibahagi at paigtingin ang ilang magagandang kaugaliang Pilipino, kultura at mga sagisag na malaon nang nalilimutan ng karamihan sa ating mga kabataan. Magkakaroon tayo ng pagtitining na gawain patungkol sa Buwan ng Wika.