Preschool
Welcome to Child Jesus of Prague School (CJPS)! We are glad that you and your child will be part of our educational family this year. We truly appreciate the trust you have given us by enrolling your child in our school.
Kindergarten is an exciting time as children embark on new adventures in the world of eLearning. It is learning to utilize electronic technologies to access educational curriculum outside the traditional classroom. It is a very challenging school year for all of us, and we believe that nothing is impossible if the school and the home will work hand in hand, and that is why we, the school created MyCJPS Links to help the world of education. Here are some ways you, as parents, can help too:
- Take an active role to ensure the efficacy of the online program as well as to help your child transition to this new mode of learning more smoothly
- Discuss with or remind your child what to expect in online classes, as well as what is expected from him (i.e. stay focused, follow the set online class rules, be on time, prepare ahead, etc.)
- Help your child sustain a daily routine which starts from waking up, preparing himself for the class, to allotting a reasonable time frame to study even when not online
- Provide a learning space for your child, where he is not distracted by other members of the household or television.
- Provide the technology required and prepare for potential technical issues.
- Monitor your child’s progress through parents’ check-in, online consultation with the teacher, Newsletter, monthly academic topics, etc.
Grade School
MIddle School
Ang pagbubukas ng panibagong taong panuruan ay hudyat na kahit may pandemya ay hindi dapat maging dahilan para mahinto ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang edukasyon ay hindi makapaghihintay - kailangan lamang na ang lahat ay magtulungan upang masiguro na patuloy ang pag-aaral sa ligtas at makabagong pamamaraan.
Ngayong Agosto, layon nating mabigyang halaga ang wikang Filipino bilang daan sa paghubog ng intelektuwal, sosyo-emosyonal at ispirituwal na paglago ng mga mag-aaral. Layon din nating bigyang halaga ang pagmamahal, pananampalataya at pag-asa sa gitna ng dinaranas nating pandemya.
Gamit ang paksa ngayong taon na “We create school and home links to bring faith, wisdom and love in sync,” ang ilan sa mga nakatakdang gawain sa buwang ito ay ang Tagis-Talino, pagkukuwento kasama ang pamilya, paggawa ng poster, vlog at spoken poetry. Tunay na mabilis nagbago ang panahon lalo sa teknolohiya kaya naman lahat ng aktibidad ngayong buwan ay mangangailangan ng paggamit nito.
Alam din naming ang buwan na ito ay mahalaga upang makapag-adjust ang ating mga mag-aaral sa remote learning kaya inilaan namin ang unang linggo para rito.
High School
Malugod na pagbati at pagtanggap ang hatid namin sa inyo mula sa Child Jesus
of Prague School High School Department para sa taong panuruan 2020-2021!
Sa halos apatnapung taon ng Child Jesus of Prague School, ang ating paaralan
ay patuloy sa kanyang adhikain na maglingkod sa bayan ng Binangonan at
mga karatig bayan nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng maganda at mataas
na kalidad ng edukasyon sa mga kabataan lalo na sa panahon ngayon ng
Covid-19 pandemya. Ang pangakong ito at sa patuloy na pagtitiwala ninyong
mga magulang sa paaralan ang syang pinaghuhugutan nito ng inspirasyon
upang mas lalong paigtingin ang dedikasyon ng bawat isa sa ikatatagumpay ng
inyong mga anak.
Ang buwang ito ng Agosto para sa mga mag-aaral ay panahon ng “excitement at
adjustment”. Excitement dahil sabik sila na makitang muli ang kanilang mga
kamag-aral, mga kaibigan at mga pagtuturo ng CJPS sa “New Normal Set-up” ng
edukasyon. Adjustment sa mga panibagong pamamaraan ng pag-aaral.
Sa taong ito sa kabila ng mga pagbabago, ang Child Jesus of Prague School ay
umaasa pa rin sa ibayong pakikiisa at pakikipagtulungan ng mga magulang sa
pagsisikap ng paaralan na makamtan ang “holistic formation” ng bawat
mag-aaral. Kaya lahat ng mga gawaing natin sa taong ito ay hango sa tema,
“We Create School and Home Links to Bring Faith, Wisdom and Love in
Sync.”
Bukod dito, ito rin ay pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Sinasalamin ng
selebrasyong ito ang kahalagahan ng Filipino bilang Wikang Pambansa. Dahil
dito, nararapat lamang na makilala at mapahalagahan ng mga mag-aaral ng
Child Jesus of Prague School ang mga bagay na sumasagisag sa ating
kakanyahan bilang isang bansa sa pamamagitan ng iba’t-ibang patimpalak tulad
ng; Tagis-Talino, Digital Poster Making base sa taunang tema, Spoken Poetry
tungkol sa “new normal”, Bukas Na Liham, at Balik-Tanaw sa Tahanang Pilipino.
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga gawaing nakatakda sa buwang ito.